NDRRMC, naka-alerto sa “La Niña”

Nasa ilalim na ng “La Niña alert status” ang buong Pilipinas sa pagkakaroon ng 66 na porsyentong tsansa na makakaranas ang bansa ng mas-mataas sa normal na pagbuhos ng sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre na maaring tumagal hanggang sa unang kwarter ng 2025. Ito ang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and… Continue reading NDRRMC, naka-alerto sa “La Niña”

Suporta sa soldier-athletes, tiniyak ng AFP

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura ang pagbisita kahapon sa Camp Aguinaldo ng mga soldier-athletes na lumahok sa Paris Olympics at World Eskrima Kali Arnis Federation (WEKAF). Ang pagbisita ng mga soldier-athlete ay naging pagkakataon para itanghal ang kanilang “dual role” bilang tagapagtanggol… Continue reading Suporta sa soldier-athletes, tiniyak ng AFP

Inflation nitong Agosto, bumagal sa 3.3% — PSA

Naitala ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation sa bansa nitong Agosto. Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 3.3% ang inflation mula sa 4.4% ang inflation noong Hulyo. Ang average inflation na rin sa bansa mula Enero hanggang agosto ay nasa antas na 3.6%. Paliwanag ng… Continue reading Inflation nitong Agosto, bumagal sa 3.3% — PSA

DILG Sec. Abalos at PNP Chief Marbil, nasa Indonesia para iuwi si Guo sa Pilipinas

Dumating sa Indonesia International Airport ang team nina Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. kaninang madaling araw para personal na sunduin si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ibalik ito sa Pilipinas. Umalis ang grupo nina Marbil at… Continue reading DILG Sec. Abalos at PNP Chief Marbil, nasa Indonesia para iuwi si Guo sa Pilipinas

Dengue Duo Test, ikinasa ng QC Health Department sa evacuation sites sa lungsod

Kasunod ng paghagupit ng bagyong Enteng, ay nag-ikot sa ilang itinalagang evacuation sites sa Quezon City ang mga doktor at health care worker ng QC Health Department. Ito ay para tiyakin ang kaligtasan ng mga residenteng lumikas lalo sa mga sakit na kadalasang dala ng mga pag-ulan. Sa Brgy. Gulod, nagsagawa ng Dengue Duo Test… Continue reading Dengue Duo Test, ikinasa ng QC Health Department sa evacuation sites sa lungsod

Mga magsasakang apektado ng bagyong Enteng, higit 14,000 na

Umakyat na sa 14,605 ang bilang ng mga magsasaka sa bansa na apektado ng matinding ulan at bahang dulot ng bagyong Enteng at habagat, ayon yan sa Department of Agriculture (DA). Sa pinakahuling bulletin ng DA, kabilang sa mga rehiyong nagtala ng pinsala ang Central Luzon, Bicol, Western at Eastern Visayas. Aabot na rin sa… Continue reading Mga magsasakang apektado ng bagyong Enteng, higit 14,000 na

Sapat na suplay ng bigas, iba pang agri products, tiniyak ng DA sa gitna ng epekto ng bagyong Enteng at habagat

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas at pagkain sa bansa sa gitna ng panibagong tama ng bagyong Enteng sa sektor ng pagsasaka. Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, walang dapat ikabahala dahil may sapat na suplay ng bigas mula sa lokal na produksyon at gayundin… Continue reading Sapat na suplay ng bigas, iba pang agri products, tiniyak ng DA sa gitna ng epekto ng bagyong Enteng at habagat

La Mesa Dam sa QC, patuloy na umaapaw

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-apaw ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City dahil sa walang tigil na pag-ulang dala ng habagat. Sa inilabas na situationer ng PAGASA, bandang 6am ay nasa 80.17 meters pa ang water level ng La Mesa Dam. Nananatili pa itong lagpas sa spilling level ng dam na 80.15 meters.… Continue reading La Mesa Dam sa QC, patuloy na umaapaw

Higit 180,000 residente sa Metro Manila, naapektuhan ng bagyong Enteng — DSWD-NCR

Umakyat na sa 185,102 na indibdiwal ang naapektuhan ng bagyong Enteng sa Metro Manila. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng higit 45,000 na pamilya mula sa Caloocan, Las Pinas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, Taguig, Quezon, San Juan, at Valenzuela City. Batay pa sa ulat ng Disaster Response… Continue reading Higit 180,000 residente sa Metro Manila, naapektuhan ng bagyong Enteng — DSWD-NCR

Bilang ng mga evacuee sa Valenzuela, nadagdagan dahil sa habagat

Tumaas ang bilang ng mga evacuee sa Valenzuela dahil sa patuloy na pag-ulang dala naman ng hanging habagat. Ayon sa Valenzuela LGU, nasa 380 na pamilya o 1418 na indbidwal ang nagpalipas ng gabi sa mga evacuation site dahil sa epekto ng habagat. Mula sa 15 binuksang evacuation centers, pinakamarami ang inilikas sa A. Fernando… Continue reading Bilang ng mga evacuee sa Valenzuela, nadagdagan dahil sa habagat