DepEd Sec. Angara, nagpasalamat sa mga guro sa kanilang dedikasyon ngayong National Teachers’ Month

Kasabay ng pagbubukas ng National Teachers’ Month 2024 sa Candon City, Ilocos Sur, pinasalamatan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang mga guro sa buong bansa. Ito ay dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon sa paghubog ng mga mag-aaral at sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Ayon kay Angara, ang mga… Continue reading DepEd Sec. Angara, nagpasalamat sa mga guro sa kanilang dedikasyon ngayong National Teachers’ Month

Southbound lane ng Mindanao Avenue, pansamantalang isasara simula bukas para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project

Abiso sa mga motorista, simula bukas, September 7, pansamantalang isasara ang Southbound lane ng Mindanao Avenue mula Congressional Avenue hanggang Tandang Sora Avenue. Ito ay upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project. Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), maaaring makaranas ng pagbagal ng daloy ng trapiko ang… Continue reading Southbound lane ng Mindanao Avenue, pansamantalang isasara simula bukas para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project

Mahigit 4,800 indibidwal na apektado ng habagat at bagyong Enteng, nakatanggap ng tulong mula sa Red Cross

Mahigit 4,800 indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng habagat at bagyong Enteng ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Red Cross (PRC). Kabilang sa mga ibinigay na tulong ay ang mga health promotion at awareness sessions tungkol sa mga sakit na karaniwan tuwing tag-ulan gaya ng dengue at leptospirosis, pamamahagi ng mga gamot, bitamina, at… Continue reading Mahigit 4,800 indibidwal na apektado ng habagat at bagyong Enteng, nakatanggap ng tulong mula sa Red Cross

Bagong LPA na binabantayan ng PAGASA, walang direktang epekto sa bansa, pero palalakasin ang hanging habagat

Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo ang bagong binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA. Ito ay tatawaging Ferdie kapag naging ganap na bagyo. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAGASA weather forecaster Ana Clauren-Jorda na hindi inaasahang direktang makakaapekto ito sa bansa. Ngunit palalakasin nito ang Southwest Monsoon… Continue reading Bagong LPA na binabantayan ng PAGASA, walang direktang epekto sa bansa, pero palalakasin ang hanging habagat

Marikina LGU, puspusan ang isinasagawang drainage declogging ops matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Enteng

Puspusan ang isinasagawang paglilinis at pag-aalis ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga bara sa daluyan ng tubig matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Enteng. Gamit ang manual rodding equipment at vacuum trucks, sinuyod ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang mga kalsada at drainage upang matiyak na walang anumang… Continue reading Marikina LGU, puspusan ang isinasagawang drainage declogging ops matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Enteng

Supply ng bigas, nanatiling sapat sa kabila ng pinsalang iniwan ng bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura — DA

Mahigit ₱650-milyon na ang tinatayang pinsala ng habagat na pinalakas ng bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura. Sa kabila nito, tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply at matatag ang presyo ng bigas sa bansa at iba pang produktong pang-agrikultura. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De… Continue reading Supply ng bigas, nanatiling sapat sa kabila ng pinsalang iniwan ng bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura — DA

Speaker Romualdez, pinuri ang PCC sa pagpapanagot sa mga sangkot sa onion cartel

Nagbabala si Speaker Martin Romualdez sa mga sangkot sa smuggling at price manipulation ng mga batayang bilihin, na naghihintay sa kanila ang malaking multa at matagal na panahon ng pagkakakulong. Kasabay ito ng pagkilala sa ginawang pagpapataw ng reklamo at multa ng Enforcement Office ng Philippine Competition Commission (PCC), laban sa 12 indibidwal na sangkot… Continue reading Speaker Romualdez, pinuri ang PCC sa pagpapanagot sa mga sangkot sa onion cartel

Kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Poland, isinulong ng DND

Photo courtesy of Department of National Defense

Nagkasundo ang Pilipinas at Poland na palawakin ang kooperasyong pandepensa alinsunod sa 2013 Memorandum of Understanding on the Development of bilateral relations on Defense. Ito ang napagkasunduan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Polish Foreign Minister Radosław Sikorski sa pagpupulong ng dalawang opisyal sa DND Headquarters, noong Miyerkules. Sa pagpupulong ng… Continue reading Kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Poland, isinulong ng DND

Halos P14-M tulong pinansyal mula kay Pangulong Marcos Jr., natanggap na ng mga magsasaka at mangingisda sa Lanao del Norte

Natanggap na ng mahigit 1,000 mga magsasaka, mangingisda, at kanilang mga pamilya na naapektuhan ng El Niño sa Lanao del Norte ang tulong pinansyal na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagkakahalaga ng halos ₱14 na milyon. Ipinamahagi ito noong Huwebes, Setyembre 5, sa Mindanao Civic Center (MCC), Tubod, sa lalawigan at nakatanggap… Continue reading Halos P14-M tulong pinansyal mula kay Pangulong Marcos Jr., natanggap na ng mga magsasaka at mangingisda sa Lanao del Norte

Mga opisyal o kawani ng gobyerno na biglang mawawala matapos maaresto si Alice Guo, dapat bantayan ng mga otoridad

Dapat nang bantayan ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyal o kawani ng pamahalaan na bigla na lamang mawawala matapos maaresto si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay ni Quezon Third District Representative Reynan Arrogancia, dapat maging alerto ang DOJ laban sa mga personnel na kaduda-duda ang paghahain ng leave o pagre-resign.… Continue reading Mga opisyal o kawani ng gobyerno na biglang mawawala matapos maaresto si Alice Guo, dapat bantayan ng mga otoridad