Paghikayat ng mga mamumuhunan upang makalikha ng dekalidad na trabaho, tinututukan ng Pamahalaan

Prayoridad ng Pamahalaan ang mga hakbang upang makahikayat ng mas maraming mamumuhunan na siyang lilikha ng dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino. Ito ang tinuran ng National Economic and Development Authority (NEDA) kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa pagbaba ng unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa 4.7%… Continue reading Paghikayat ng mga mamumuhunan upang makalikha ng dekalidad na trabaho, tinututukan ng Pamahalaan

Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, hindi muna maglalagak ng piyansa sa Korte sa Tarlac

Kinumpirma ng kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi muna nila aasikasuhin ang paglalagak ng piyansa sa 3rd Judicial Region, Branch 109 sa bayan ng Capas sa nabanggit na lalawigan. Ito’y ayon sa abogado ni Guo na si Atty. Stephen David makaraang ihayag nito na kaniyang bibisitahin ngayong araw ang kliyente na… Continue reading Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, hindi muna maglalagak ng piyansa sa Korte sa Tarlac

Dating Mayor Alice Guo, sumailalim na sa medical examination; mug shot ng dating Alkalde, inilabas ng PNP

Maganda ang naging resulta ng isinagawang medical examination ng PNP kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo matapos ang isinagawang booking and procedure kay Guo sa Royal Star hangar sa Pasay City kaninang madaling araw. Paliwanag ni Fajardo, kinumusta si Guo ng mga Doktor… Continue reading Dating Mayor Alice Guo, sumailalim na sa medical examination; mug shot ng dating Alkalde, inilabas ng PNP

NACC, pumalag sa umano’y maling pagsasalarawan ng pag-aampon at foster care sa pelikulang ‘Dear Satan’

Dismayado ang National Authority for Child Care (NACC) sa umano’y maling paglalarawan ng usapin ng pag-aampon at foster care sa bagong pelikulang “Dear Satan.” Sa isang pahayag, sinabi ni NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada na salungat ang pelikula sa mandato ng NACC na ipabatid sa publiko ang mga ligal na mekanismo ng pag-aampon at alternatibong… Continue reading NACC, pumalag sa umano’y maling pagsasalarawan ng pag-aampon at foster care sa pelikulang ‘Dear Satan’

Bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyong Enteng at habagat, sumampa pa sa 2.4-M —DSWD

Lumobo pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng malalakas na ulang dala ng bagyong Enteng at habagat, ayon yan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of September 6, ay umakyat na sa higit 632,000 pamilya o katumbas ng 2.4… Continue reading Bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyong Enteng at habagat, sumampa pa sa 2.4-M —DSWD

DSWD, handang tumugon sa iba pang bagyong tatama sa bansa

Sa gitna ng ongoing na relief operations sa mga apektado ng bagyong Enteng ay naghahanda na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtugon sa isa pang posibleng panibagong bagyo sa bansa. Kasunod ito ng pahayag ng PAGASA kaugnay ng bagong sama ng panahon na mabubuo sa bahagi ng West Philippine Sea.… Continue reading DSWD, handang tumugon sa iba pang bagyong tatama sa bansa

‘Single-digit’ rice inflation, target ng DA

Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng rice inflation o galaw sa presyo ng bigas sa bansa. Pahayag ito ng DA kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 14.7% ang inflation noong Agosto mula sa 20.9% noong Hulyo. Ito rin ang pinakamababang rice inflation mula nung Oktubre… Continue reading ‘Single-digit’ rice inflation, target ng DA

Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, may banta umano sa buhay kaya nagtago sa Indonesia

Nakatatanggap ng banta umano sa kaniyang buhay si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaya siya nagtago sa Indonesia. Ito ang inihayag ng alkalde matapos siyang iharap kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. nang makipagpulong ito kasama ang Indonesian Police sa Jakarta kahapon. Maririnig sa video feed mula… Continue reading Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, may banta umano sa buhay kaya nagtago sa Indonesia

Alkalde ng Sual, Pangasinan, naungakat ang kaugnayan sa mga Guo

Lumutang ang pangalan ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo ‘Dong’ Calugay sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice tungkol sa naging paglabas ng bansa nina dating Mayor Alice Guo. Natanong ni Senate Subcommittee Chairperson Senador Risa Hontiveros kung anong pagkakaalam ni Shiela Guo na ugnayan nina dating Mayor Alice at ni Mayor Calugay. Ayon kay Shiela,… Continue reading Alkalde ng Sual, Pangasinan, naungakat ang kaugnayan sa mga Guo

Klase sa Malabon, suspendido pa rin

Nananatiling walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Malabon ngayong Biyernes, September 6, 2024. Sa abiso ng LGU, ito ay dahil sa patuloy na pag-iral ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Yagi (international name) o dating bagyong Enteng at hightide na aabot sa 1.50m sa ganap na… Continue reading Klase sa Malabon, suspendido pa rin