Party-list solon, pinamamadali ang pamamahagi ng National ID ng mga senior citizen

Pinatitiyak ngayon ni Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes na maibibigay pa rin ang National IDs ng mga senior citizen matapos kanselahin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata ng ID supplier para sa Philsys. Giit niya marami pa ring mga lolo at lola ang hindi pa natatanggap ang kanilang physical National ID. Nangamgamba… Continue reading Party-list solon, pinamamadali ang pamamahagi ng National ID ng mga senior citizen

Big-time child trafficker, ibabalik sa Pilipinas ngayong araw — DILG

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang pagkakaaresto ng isang big-time child trafficker na nambiktima ng daan-daang batang Pilipino. Ayon sa kalihim, naaresto kamakailan ang suspek na kinilalang si Teddy Jay Mojeca Mejia sa United Arab Emirates (UAE). Sangkot ito sa pagbebenta ng child sexual abuse at exploitation… Continue reading Big-time child trafficker, ibabalik sa Pilipinas ngayong araw — DILG

Mahigit 500 pamilya na apektado ng sunog sa Bacoor City sa Cavite, nahatiran ng tulong ng Red Cross

Aabot sa 509 pamilya o katumbas ng 2,545 na indibiduwal ang naabutan ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC). Sila ang mga nasunugan sa Sitio Kanluran, Brgy. Zapote III sa Bacoor City sa Cavite kamakalawa kung saan, daan-daang kabahayan ang naabo. Buhat sa nabanggit na bilang, 494 na pamilya o 2,470 na indibiduwal ang kasalukuyang… Continue reading Mahigit 500 pamilya na apektado ng sunog sa Bacoor City sa Cavite, nahatiran ng tulong ng Red Cross

Presyo ng bigas sa merkado, patuloy na bumababa — DA

Ramdam sa mga pamilihan sa Metro Manila ang tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng bigas. Naobserabahan ito ng Department of Agriculture (DA) sa ikinasa nitong market visit sa pangunguna ni DA Assistant Secretary for Consumer Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra, kung saan nakasama sina House Speaker Martin Romualdez, ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, at mga kinatawan ng… Continue reading Presyo ng bigas sa merkado, patuloy na bumababa — DA

Modernisasyon ng PHIVOLCS, pasado na sa Kamara

Pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magmomodernisa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Sa ilalim ng House Bill 10730 o PHIVOLCS Modernization Act, palalakasin ang kapasidad ng ahensya na rumesponde sa natural hazards, partikular ang pagbabantay sa seismic at volcanic activities. Ipinunto ng mga mambabatas na sa… Continue reading Modernisasyon ng PHIVOLCS, pasado na sa Kamara

Pasasalamat ng Pangulo, ipinaabot ni Gen. Marbil sa lahat ng pulis na kasama sa KOJC operation

Ipinaabot ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pasasalamat ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng pulis na naging bahagi ng matagumpay na operasyon sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound para maaresto si Pastor Apollo Quiboloy. Ito’y nang personal na harapin ni Gen. Marbil ang mga tropa sa Police Regional… Continue reading Pasasalamat ng Pangulo, ipinaabot ni Gen. Marbil sa lahat ng pulis na kasama sa KOJC operation

Paglutang ng karagdagang ebidensya laban kay Quiboloy, nagsimula na — PNP Chief

Kasalukuyang bineberipika ng Philippine National Police (PNP) ang mga nakalap na karagdagang impormasyon tungkol sa umano’y sistematikong pang-aabuso ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga batang babae na nasa ilalim ng kanyang impluwensya. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasabay ng pagsabi na ito palang ang simula para masiguro ang solidong… Continue reading Paglutang ng karagdagang ebidensya laban kay Quiboloy, nagsimula na — PNP Chief