Mga senador, inasahan nang di tugma ang pirma ni dating Mayor Alice Guo sa pirmang nasa counter affidavit nito

Hindi na ikinagulat ng mga senador ang naging findings ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa hindi magkatugma na pirma ni dating Mayor Alice Guo at sa pirmang nasa counter affidavit nito. Ayon kay Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros, professional scam artist si Guo at nakabase ang buong pagkatao nito sa… Continue reading Mga senador, inasahan nang di tugma ang pirma ni dating Mayor Alice Guo sa pirmang nasa counter affidavit nito

Mga ari-arian ni Alice Guo na pina-freeze ng AMLC, nasa higit ₱700-M ang halaga

Aabot sa halos walong daang milyong piso ang kabuuang halaga ng mga asset ni Alice Guo na sakop ng Freeze Order ng Anti Money Laundering Council (AMLC). Ito ang ibinahagi ni House Appropriations Committee Vice-Chair Jil Bongalon sa pagsalang ng panukalang budget ng AMLC sa plenaryo. Sakop aniya ng Freeze Order ng AMLC ang mga… Continue reading Mga ari-arian ni Alice Guo na pina-freeze ng AMLC, nasa higit ₱700-M ang halaga

Pulis at driver nito na sangkot sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon ng Batangas, arestado na

Hawak na ngayon ng Balayan Municipal Police Station sa lalawigan ng Batangas ang pulis at driver nito na itinuturong nasa likod ng misteryosong pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon. Ito’y makaraang maglunsad ng operasyon ang Pulisya laban kina dating Police Major Allan de Castro gayundin sa driver nito na si Jeffrey Magpantay sa… Continue reading Pulis at driver nito na sangkot sa pagkawala ng Beauty Queen na si Catherine Camilon ng Batangas, arestado na

Suplay ng pagkain sa bansa, nananatiling sapat sa kabila ng epekto ng mga kalamidad — DA

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling may sapat na suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng pagtama ng magkakasunod na bagyo ngayong buwan. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., walang dapat ipag-alala dahil lahat ng sektor ay nagtutulungan para magkaroon ng sapat na suplay ng agri commodities sa merkado. Kung… Continue reading Suplay ng pagkain sa bansa, nananatiling sapat sa kabila ng epekto ng mga kalamidad — DA

Pinsala ng habagat, bagyong Ferdie, Gener, at Helen sa agri sector, sumampa na sa higit ₱100-M — DA

Aabot na sa ₱107.42-million ang halaga ng pinsalang idinulot ng pananalasa ng habagat at ng magkakasunod na bagyong Ferdie, Gener, at Helen sa sektor ng agrikultura. Sa inilabas na assessment report ng DA-DRRM Operations Center, as of September 18, kabilang sa mga may napinsalang sakahan ay mula sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula. Katumbas… Continue reading Pinsala ng habagat, bagyong Ferdie, Gener, at Helen sa agri sector, sumampa na sa higit ₱100-M — DA

Singil sa pasahe sa eroplano, bababa sa Oktubre — DOTr

Nakatakdang bumaba ang singil sa pasahe ng mga eroplano sa susunod na buwan. Ito’y batay sa abiso ng Civil Aeronotics Board (CAB) makaraang ibaba sa Level 4 ang Passenger and Cargo Fuel Surcharge para sa Domestic at International flights. Dahil dito, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na asahan nang bababa ang pamasahe ng mula… Continue reading Singil sa pasahe sa eroplano, bababa sa Oktubre — DOTr

Klase sa Valenzuela, suspendido ngayong araw dahil sa habagat

Maagang nagsuspinde ng klase ang Valenzuela City LGU dahil sa inaasahang mga pagulan pa rin sa Metro Manila dahil sa habagat. Sa abiso ng LGU, kanselado ngayong araw ang in-person classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan. Ito matapos na mailagay sa Yellow Rainfall Warning ang Metro Manila kaninang alas-2 ng madaling… Continue reading Klase sa Valenzuela, suspendido ngayong araw dahil sa habagat

Dating opisyal ng DBM na sangkot umano sa procurement anomaly, inaresto ng CIDG

Arestado ng mga tauhan ng Criminal Investigation Group (CIDG) si dating Executive Director ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) Atty. Lloyd Christopher Lao sa Ecoland, Davao kahapon. Sa ulat ni CIDG Director Police Major General Leo Francisco kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, si Lao ay inaresto sa bisa ng warrant… Continue reading Dating opisyal ng DBM na sangkot umano sa procurement anomaly, inaresto ng CIDG

PNP Chief sa field commanders: Tukuyin ang posibleng areas of concern sa susunod na halalan

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng field commanders na tukuyin ang mga posibleng areas of concern sa 2025 National and Local Elections. Sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, na ang kautusan ay ibinigay ng PNP Chief sa huling Command Conference kahapon, bilang paghahanda… Continue reading PNP Chief sa field commanders: Tukuyin ang posibleng areas of concern sa susunod na halalan