Pinauwi ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang 2 South Koreans na wanted sa kanilang bansa dahil sa mga kasong electronic financial fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga suspect ay sina Kwon Hyuckkeun, 41, at You Hyun Tea, 53, na pawang idineport sa Incheon, South Korea sa pamamagitan ng Korean Air flight last.
Paliwanag ni Tansingco, inabisuhan na nila ang kanilang mga Korean counterparts ng padating ng dalawa at agad umanong naaresto ang mga ito pagdating sa kanilang bansa.
Pinaghahanap ang dalawa dahil sa panloloko ng pera sa kanilang mga biktima.
Agad nilagay ang dalawang koreano sa immigration black list para hindi na muling makapasok pa ng Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco