Mga pulis, pinaalalahanang itaguyod ang katotohanan at huwag magbulagbulagan

Pinaalalahanan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay na itaguyod lagi ang katotohanan at huwag magbulag-bulagan. Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa kanilang mga tauhan nang pangunahan nito ang Command Conference sa Kampo Crame kamakailan. Ginawa ng PNP chief ang pahayag nang makaladkad ang PNP partikular na… Continue reading Mga pulis, pinaalalahanang itaguyod ang katotohanan at huwag magbulagbulagan

Dating Bamban Mayor Alice Guo, babasahan ng sakdal sa Valenzuela RTC ngayong araw

Nakatakdang humarap si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 95 para mabasahan ng sakdal ngayong araw. Ito’y makaraang ilipat sa Valenzuela RTC ang kasong Graft na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Guo mula sa Capas Regional Trial Court sa Tarlac… Continue reading Dating Bamban Mayor Alice Guo, babasahan ng sakdal sa Valenzuela RTC ngayong araw

Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market, patuloy sa pagbaba

Patuloy na bumababa ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, bumaba ng hanggang ₱10 ng iba’t ibang bilihin partikular na sa karne ng manok bunsod na rin ng mataas na suplay habang epekto pa rin ng African Swine Fever (ASF) ang sa baboy. Ang manok ay nasa… Continue reading Presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pasig Mega Market, patuloy sa pagbaba

Pinsala ng habagat at bagyong Ferdie sa agri sector, sumampa na sa ₱600-M — DA

Lumobo pa sa ₱600-million ang naitala ng Department of Agriculture (DA) na halaga ng pinsalang idinulot ng habagat at ng bagyong Ferdie sa sektor ng pagsasaka. Sa datos ng DA-DRRM Operations Center, nasa higit 11,000 ektarya ng sakahan ang nasalanta kung saan nasa 24.69% ang wala nang tyansang maka-recover pa. Karamihan ng pinsala ay naitala… Continue reading Pinsala ng habagat at bagyong Ferdie sa agri sector, sumampa na sa ₱600-M — DA

Mga POGO hub, iminungkahi na gamitin bilang student dorms

Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader Janette Garin na magamit ang mga ni-raid na POGO hubs bilang dormitories ng mga estudyante. Sa pagtalakay sa panukalang pondo ng Commission on Higher Education (CHED) at state universities and colleges sa plernaryo natalakay ang usapin ng mga hamon na kinakaharap ng mga estudyante dahilan para sila ay mag-drop… Continue reading Mga POGO hub, iminungkahi na gamitin bilang student dorms

Sen. Gatchalian, iginiit na patunay ng pagiging sinungaling ni dating Mayor Alice Guo ang hindi tugmang pirma nito sa kanyang counter affidavit

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Nagpasalamat si Senador Sherwin Gatchalian sa patuloy na pagsisikap ng National Bureau of Investigation (NBI) na isiwalat ang mga panloloko ni dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping. Ito ay kaugnay ng natukalasan ng NBI na hindi tugma ang pirma ni Guo sa pirmang nasa counter affidavit na isinumite nito sa Department of Justice… Continue reading Sen. Gatchalian, iginiit na patunay ng pagiging sinungaling ni dating Mayor Alice Guo ang hindi tugmang pirma nito sa kanyang counter affidavit

Nasirang pipeline ng Maynilad sa Maynila, kinukumpuni na; Hanggang mamayang gabi na water interruption, posible

Puspusan na ang ginagawang pagkumpuni ng Maynilad sa nasira nitong pipeline sa kahabaan ng Recto corner Delpan Avenue, Manila, na aksidenteng natamaan ng third-party contractor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon sa Maynilad, kinailangan ang mabilisang pagkumpuni sa pipe dahil ito ang nagdadala ng tubig mula sa treatment plant sa Quezon City papunta sa… Continue reading Nasirang pipeline ng Maynilad sa Maynila, kinukumpuni na; Hanggang mamayang gabi na water interruption, posible

Bagong chairperson ng NIA Board, itinalaga

Itinalaga bilang bagong chairperson ng National Irrigation Administration (NIA) Board si Atty. Jeffrey Gallardo. Ayon sa NIA, naitalaga si Atty. Gallardo matapos makuha ang majority vote ng Board of Directors. Itinuturing naman ng NIA na mahalagang hakbang ang pagbabago sa pamunuan ng Board of Directors upang masiguro na lahat ng proyekto ay umaayon sa programang… Continue reading Bagong chairperson ng NIA Board, itinalaga

Alice Guo, Cassie Ong, kapwa ipina-contempt ng QuadComm

Kapwa binabaan ng Contempt Order ng House Quad Committee sina Cassandra Ong at dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Bunsod ito ng pag-iwas na sumagot sa tanong ng mga mambabatas sa kanilang pag-iimbestiga ukol sa operasyon ng iligal na POGO. Si Ong, pinatawan ng 30 araw na pagkakadetine sa Women’s Correctional facility sa Mandaluyong. Ito… Continue reading Alice Guo, Cassie Ong, kapwa ipina-contempt ng QuadComm

COMELEC, maglalabas na ng rules and regulations sa social media para sa mga kakandidato sa 2025 Midterm Elections

Maglalabas na ng rules and regulations ang Commission on Elections (COMELEC) sa paggamit ng mga social media para sa mga kakandidato ngayong 2025 Midterm Elections. Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, inaprubahan ng En Banc ang rules and regulations para matiyak na hindi maaabuso ang paggamit ng social media ngayong halalan. Sa kasalukuyan, tanging… Continue reading COMELEC, maglalabas na ng rules and regulations sa social media para sa mga kakandidato sa 2025 Midterm Elections