Kamara, hihintayin na humarap ang OVP sa budget deliberations ngayong araw

Maghihintay ang Kamara hanggang sa humarap ang mga opisyal ng Office of the Vice President sa isinasagawang plenary deliberations ngayong araw. Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, dapat ay kaninang alas-10 ng umaga sumalang ang pagtalakay sa panukalang pondo ng OVP para sa taong 2025. Pero hindi dumating ang bise presidente. At bagamat mayroong… Continue reading Kamara, hihintayin na humarap ang OVP sa budget deliberations ngayong araw

Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakitaan ng impeksyon sa baga

Nakitaan ng hinihinalang impeksyon sa kaniyang kaliwang baga si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo makaraang ganap nang mailipat ang kustodiya kay Guo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City Jail Female Dormitory. Ayon kay Fajardo, ito ang… Continue reading Dismissed Bamban Mayor Alice Guo, nakitaan ng impeksyon sa baga

Pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan, binigyang halaga ng DepEd ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) ang kahalagahan ng pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day. Sa mensahe ni Education Secretary Sonny Angara sa flag ceremony sa DepEd Central Office, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng sabay-sabay na pagkain ng pamilya. Ayon kay Angara, batay sa mga pag-aaral, ang mga mag-aaral na nakikilahok… Continue reading Pagsasalu-salo ng pamilya sa hapag-kainan, binigyang halaga ng DepEd ngayong Kainang Pamilya Mahalaga Day

Dismissed Mayor Alice Guo, dapat lang malipat sa normal na kulungan – Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na matutuloy na ang paglipat kay dismissed Mayor Alice Guo sa Pasig City Jail sa kabila ng naging delay dito. Ayon kay Gatchalian, dahil mayroon nang court order ay kailangan na lang hintayin na makumpleto at matapos ang documentary process. Sang-ayon ang senador na dapat malipat sa normal na kulungan… Continue reading Dismissed Mayor Alice Guo, dapat lang malipat sa normal na kulungan – Sen. Gatchalian

Liderato ng Kamara, pinuri ang pagiging ganap na batas ng Magna Carta of Filipino Seafarers

Pinapurihan ng liderato ng Kamara ang pagiging ganap na batas ng Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, na sumaksi sa paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa batas, titiyakin ng makasaysayang lehislasyon na ito ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong marino, lalo na ang… Continue reading Liderato ng Kamara, pinuri ang pagiging ganap na batas ng Magna Carta of Filipino Seafarers

QuadComm, pinasisilip sa CAAP ang magkakasunod na chartered flights patungong Kota Kinabalu at Singapore

Hiniling ng Quad Committee ng Kamara sa CAAP, Bureau of Immigration at maging Bureau of Quarantine na siyasatin ang ilang kaduda-dudang lipad ng chartered o private na eroplano mula Hunyo hanggang Agosto kung saan pawang mga Chinese ang piloto. Sa isinagawang pag-dinig ng Quad Committee kaugnay sa operasyon ng iligal na POGO sa bansa, inatasan… Continue reading QuadComm, pinasisilip sa CAAP ang magkakasunod na chartered flights patungong Kota Kinabalu at Singapore

Panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers, pakikinabangan ng higit kalahating milyong Pilipinong manlalayag

Napirmahan bilang batas ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers (Senate Bill 2221 at House Bill 7325). Ayon kay Senate President Chiz Escudero, matapos ang higit isang dekadang paghihintay ay magiging batas na ang panukalang layong siguruhing walang mapapabayaan na Pinoy seafarer kapag may nangyari sa kanila… Continue reading Panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers, pakikinabangan ng higit kalahating milyong Pilipinong manlalayag

DA Chief, lumikha ng Farm Cooperatives Development Services

Lumikha ng Agricultural Cooperative Enterprise Development Services ang Department of Agriculture. Isang bagong inisyatiba na magpapahusay sa mga kakayahan ng agricultural groups sa buong bansa at magpapahusay sa food security at farm productivity. Sa ilalim ng Memorandum Circular 22, ang bagong tatag na ACED Services ay gagana sa loob ng parehong Central at Regional field… Continue reading DA Chief, lumikha ng Farm Cooperatives Development Services

Libreng sakay sa Malabon City, magtuloy-tuloy hanggang bukas sa gitna ng transport strike

Tiniyak ng Malabon City Local Government na magpapatuloy ang serbisyong libreng sakay sa lungsod bukas sa ikalawang araw ng jeepney transport strike. Sa abiso ng LGU, titiyakin nito na may maayos na alternatibong transportasyon ang publiko at magpapatuloy ang kanilang gawain sa kabila ng transport strike. Mag-iikot sa mga pangunahing ruta ng jeepney ang libreng… Continue reading Libreng sakay sa Malabon City, magtuloy-tuloy hanggang bukas sa gitna ng transport strike

Pagsasampa ng kaso ng hoarding sa mga nasa likod ng overstaying na containers, pinaga-aralan ng pamahalaan

Nasa 300 containers ng bigas, mula sa 888 na overstaying sa mga pantalan sa Maynila ang na-pull out na nitong weekend. Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, madadagdagan pa ang bilang na ito sa mga susunod na araw, lalo’t ito ngayon ang tutok ng kanilang tanggapan. “Sa patuloy pong pakikipag-ugnayan natin… Continue reading Pagsasampa ng kaso ng hoarding sa mga nasa likod ng overstaying na containers, pinaga-aralan ng pamahalaan