MMDA, pag-aaralan ang paglalagay ng tunnel at bus lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa lumalalang trapiko

Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng tunnel at bus lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ito ay upang maibsan ang lumalalang bigat ng trapiko sa nasabing kalsada. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, kabilang sa nakakapagpabigat ng daloy ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue ay ang ginagawang MRT-7. Ani… Continue reading MMDA, pag-aaralan ang paglalagay ng tunnel at bus lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa lumalalang trapiko

Panukalang anti-smuggling law, inaasahang makakapagpababa ng presyo ng mga pagkain at makatutulong sa mga magsasaka ayon kay Sen. Escudero

Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero na nakatakda nang mapirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Huwebes, September 26, ang panukalang anti agricultural economic sabotage bill. Ayon kay Escudero, malalabanan ng bagong magiging batas na ito ang smuggling, profiteering at hoarding ng mga produktong pang-agrikultura. Bilang resulta, inaasahang magiging abot kaya na para sa lahat… Continue reading Panukalang anti-smuggling law, inaasahang makakapagpababa ng presyo ng mga pagkain at makatutulong sa mga magsasaka ayon kay Sen. Escudero

Sen. Jinggoy Estrada, nagbabala sa maaaring paglabag ni Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay sa anti-graft practices act

Binalaan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo ‘Dong’ Calugay na maaaring may pananagutan ito sa anti-graft and corrupt practices act. Ito ay matapos masiwalat na naibigay sa kanyang common-law partner ang kontrata ng ilang mga proyekto sa kanilang munisipalidad. Samantala, inamin rin ni Calugay na nakalimutan niyang ilagay sa… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, nagbabala sa maaaring paglabag ni Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay sa anti-graft practices act

Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nakabalik na sa Pasig City Jail matapos dumalo sa pagdinig sa Senado

Nakabalik na sa Pasig City Jail Female Dormitory si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos na dumalo sa pagdinig sa Senado. Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, dumating ang convoy ni Guo bandang alas-4:30 ng hapon. Si Guo ay lulan ng coaster na gwardiyado ng mga… Continue reading Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nakabalik na sa Pasig City Jail matapos dumalo sa pagdinig sa Senado

MMDA, walang na-monitor na stranded na mga pasahero ngayong ikalawang araw ng transport strike ng PISTON at Manibela

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na wala pang naitatalang mga stranded na pasahero sa kabila ng isinasagawa transport strike ng grupong PISTON at Manibela. Ito ang ang kinumpirma ng MMDA ngayong ikalawang araw ng transport strike ng nasabing mga grupo. Gayunpaman, nananatili pa ring nakaalerto ang ahensya kasama ang DOTr at PNP. Sa… Continue reading MMDA, walang na-monitor na stranded na mga pasahero ngayong ikalawang araw ng transport strike ng PISTON at Manibela

Mga Pilipinong mangingisda, patuloy na hinihikayat ng AFP na mangisda sa Bajo de Masinloc sa kabila ng takot dahil sa presensya ng mga barko ng China

Muling hinikayat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga Pilipinong mangingisda na huwag matakot na pumalaot sa Bajo de Masinloc. Ito ay sa kabila ng presensya ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea. Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad,… Continue reading Mga Pilipinong mangingisda, patuloy na hinihikayat ng AFP na mangisda sa Bajo de Masinloc sa kabila ng takot dahil sa presensya ng mga barko ng China

Walang Gutom Program, inilunsad ng DSWD sa Isabela

Matagumpay na naisagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom Program (WGP), ang kauna-unahang food redemption sa San Guillermo, Isabela. Ang nasabing programa ay patuloy na nagsusumikap na tuparin ang layunin nitong labanan ang gutom. Gayundin itinataguyod ang seguridad sa pagkain para matiyak na may sapat na pagkain ang bawat sambahayan… Continue reading Walang Gutom Program, inilunsad ng DSWD sa Isabela

Tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela, nananatiling mapayapa –PNP

Walang naitalang anumang untoward incident ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng patuloy na tigil-pasada ng mga grupong PISTON at Manibela. Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, batay sa monitoring ng NCRPO, nananatiling mapayapa ang transport strike simula pa kahapon. Dagdag pa niya, tinatayang nasa 400 ang kanilang na-monitor na lumahok sa tigil-pasada… Continue reading Tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela, nananatiling mapayapa –PNP

DMW, iniulat na walang Pilipino na nasawi at nasaktan sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang Pilipinong nasawi o nasaktan sa patuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah. Ito ang ibinalita ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac. Ayon kay Cacdac, umaasa siyang mananatiling ligtas ang mga Pilipino at bubuti na rin ang sitwasyon sa Lebanon. Una nang iniulat ng… Continue reading DMW, iniulat na walang Pilipino na nasawi at nasaktan sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah

DepEd, nagpasalamat sa Kongreso matapos maipasa ang panukalang budget na P793.1 bilyon para sa taong 2025

Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) sa Kongreso matapos mapagtibay ang kanilang panukalang budget na P793.1 bilyon para sa taong 2025. Sa ilalim ng pamumuno ni Education Secretary Sonny Angara, lubos ang pasasalamat ng DepEd kay House Speaker Martin Romualdez, Budget Sponsor Rep. Maria Carmen Zamora, at sa lahat ng miyembro ng Kamara dahil sa… Continue reading DepEd, nagpasalamat sa Kongreso matapos maipasa ang panukalang budget na P793.1 bilyon para sa taong 2025