IBP, wala pang natatanggap na kopya ng disbarment case laban kay Harry Roque

Hindi pa nabibigyan ang Integrated Bar of the Philippines ng kopya ng disbarment case na isinampa ni Atty. Melvin Matibag laban kay dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque. Ayon kay Atty. Antonio Pido, National President ng IBP, sa mga media organization nya lamang narinig na may isinampang disbarment case laban kay Roque. Karinawan umanong binibigyan… Continue reading IBP, wala pang natatanggap na kopya ng disbarment case laban kay Harry Roque

DOJ at IBP, pumirma sa bagong Rules on Preliminary Investigation

Pinirmahan na ng Department of Justice at Integrated Bar of the Philippines ang bagong rules sa preliminary investigation sa lahat ng mga kaso bago isampa sa korte. Mismong sina DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla at IBP National President Antonio Pido ang nanguna sa pagpirma sa bagong Memorandum of Agreement. Layunin nito na magkaroon ng mas… Continue reading DOJ at IBP, pumirma sa bagong Rules on Preliminary Investigation

Foreign policy ng PBBM, patuloy na isinusulong ang diplomatikong pag-uusap at di giyera — Rep. Tiangco

Binigyang-diin ni House Appropriations Vice Chair at Navotas Representative Toby Tiangco na nananatili ang foreign policy ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Pilipinas ay “Friends to all and enemy to none.” Tugon ito ng mambabatas na siyang budget sponsor ng Office of the President sa tanong ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro… Continue reading Foreign policy ng PBBM, patuloy na isinusulong ang diplomatikong pag-uusap at di giyera — Rep. Tiangco

Pagbabawas sa tariff rates sa bigas, ikinukunsiderang naka-ambag sa nakikitang downward trend sa food inflation — DOF Chief Recto

Naniniwala si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na contributory factor ang ipinatupad na pagbabawas sa tariff rates sa bigas sa magandang estado ng inflation ng bansa. Ayon kay Recto, kumbinsido siyang malaki ang nagawa at magagawa pa ng naturang hakbang para mapababa pa ang presyo ng bigas sa mga susunod pang buwan. Ipinaliwanag… Continue reading Pagbabawas sa tariff rates sa bigas, ikinukunsiderang naka-ambag sa nakikitang downward trend sa food inflation — DOF Chief Recto

Target ng Kamara na pagpapatibay sa 2025 GAB ngayong araw, posible, matapos sertipikahan bilang urgent

Maisasakatuparan ng Kamara ang target nitong pagpapatibay ng ₱6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill ngayong araw. Ito’y kasunod ng sertipikasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang Pambansang Pondo bilang urgent. Karaniwan kasi, ang isang panukala na walang sertipikasyon ay maaari lamang aprubahan sa ikatlong pagbasa tatlong araw matapos itong aprubahan sa ikalawang pagbasa. Ngunit… Continue reading Target ng Kamara na pagpapatibay sa 2025 GAB ngayong araw, posible, matapos sertipikahan bilang urgent

LTFRB, bukas pa ring makipagdayalogo sa PISTON at MANIBELA

Nananatiling handa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makipagdayalogo sa grupong PISTON at MANIBELA kaugnay ng kanilang hinaing sa Public Transport Modernization Program (PTMP). Ito ang pahayag ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III matapos ang dalawang araw na transport strike ng grupo. Ayon kay Chairperson Guadiz, bukas itong makipag-usap sa dalawang grupo… Continue reading LTFRB, bukas pa ring makipagdayalogo sa PISTON at MANIBELA

Higit 1,300 Navoteño, nakatanggap ng tulong pinansyal sa AKAP Program

Nakinabang ang nasa 1,381 rehistradong Navoteño Persons with Disability (PWDs) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP. Ayon sa Navotas LGU, bawat benepisyaryo ay nabigyan ng ₱3,000. Ang AKAP program ay inisyatibo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, katuwang ang Department of Social… Continue reading Higit 1,300 Navoteño, nakatanggap ng tulong pinansyal sa AKAP Program

DOH Davao Region, pinapalakas ang pagtutulungan sa ibang agencies para sa pagpapaabot ng tamang impormasyon

Pinapalakas ng Department of Health – Davao Center for Health Development ang pagsisikap para sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya. Dahil diyan, nagtipon-tipon ang mga stakeholder at community-based organizations kahapon, September 23, 2024, sa Apo View Hotel, Davao City. Layon ng naturang aktibidad na pagtibayin ang support coordination sa pamamagitan ng pag-uusisa sa kakayahan at… Continue reading DOH Davao Region, pinapalakas ang pagtutulungan sa ibang agencies para sa pagpapaabot ng tamang impormasyon

Proposed 2025 nat’l budget, sinertipakahang urgent ni PBBM

Certified as urgent ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang Pambansang Budget para sa susunod na taon. Kinumpirma ito ni Acting Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na kung saan ay nagpadala ng liham ang Palasyo kaugnay nito sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez kahapon, September 24. Nakasaad sa liham na may… Continue reading Proposed 2025 nat’l budget, sinertipakahang urgent ni PBBM

Impeachment kay VP Sara, kulang na sa panahon — Sec. Larry Gadon 

Malabo nang umusad ang anumang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.  Ito ang opinyon ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon sa binabalak na impeachment ng grupong Makabayan Bloc sa Kamara laban sa Bise Presidente.  Sinabi ni Gadon, kakapusin sa panahon ang Kongreso sa pagtalakay sa anumang magiging reklamo para patalsikin ang… Continue reading Impeachment kay VP Sara, kulang na sa panahon — Sec. Larry Gadon