Tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong at serbisyo ng pamahalaan sa mga Dabawenyo ngayong araw, September 5, 2024 kasabay ng pagbisita ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao City.
250 na benepisyaryo na pawang mga walang tirahan, nanlilimos at indigent ang napagkalooban ng P10,000 at 20 kilo ng bigas sa pamamagitan ng Tulong Para sa Dabawenyo Program.
Ang tulong pinansyal ay idinaan sa pamamagitan ng AICS program ng DSWD.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, hihingin niya ang tulong ng Philippine Statistics Authority para mairehistro ang mga pinakamahihirap na Pilipino at maisama sa mga mabibigyan ng tulong ng pamahalaan.
Bago ito, inanunsyo ni Romualdez ang ‘zero billing’ program sa Southern Philippine Medical Center kung saan libreng makapagpapagamot ang mga pasyenteng magpapatingin ngayong araw September 5 hanggang bukas.
ipinapakita aniya nito na seryoso ang administrasyong Marcos sa kampanya ng Bagong Pilipinas kung saan walang Pilipino ang maiiwan.
“Pinapalawak natin ang serbisyong hatid ng pamahalaan para sa programa ng ating Pangulo na Bagong Pilipinas, kung saan lahat ng mamamayan ay aabutin ng serbisyo publiko, walang maiiwan,” aniya. | ulat ni Kathleen Forbes