LTO, naglabas ng show cause order vs. operators ng jeep na sangkot sa road rage sa Caloocan City

Photo courtesy of Land Transportation Office

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa mga may-ari ng dalawang jeep na sangkot sa viral na road rage incident sa Caloocan City. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan din ang mga may-ari ng jeep na tukuyin ang mga driver para sa hiwalay na… Continue reading LTO, naglabas ng show cause order vs. operators ng jeep na sangkot sa road rage sa Caloocan City

Pag-apruba sa mga nakabinbing aplikasyon para sa produksyon, transmission at distribusyon ng kuryente, pabibilisin

Inaaral na ng bagong pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang proseso sa pag-apruba sa mga aplikasyong mayroong kinalaman sa produksyon, transmission, at distribusyon ng kuryente sa bansa. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni ERC Officer in Charge Atty.  Jesse Andres, na maraming aplikasyon ang nakabinbin sa tanggapan dahilan kung bakit hindi makapasok ang… Continue reading Pag-apruba sa mga nakabinbing aplikasyon para sa produksyon, transmission at distribusyon ng kuryente, pabibilisin

25,000 Caviteño napagkalooban ng tulong pinansyal at pabigas sa ilalim ng CARD, ISIP, SIBOL program

Nasa 25,000 Caviteños ang nakabenepisyo sa tatalong makabagong programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. partikular na ang kabilang sa vulnerable sector, mag-aaral, at maliliit na negosyo. Sa ilalim ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program: 10,000 benepisyaryo mula Cavite ang napagkalooban ng P5,000 at 10 kilo ng bigas sa simpleng seremonya sa Imus… Continue reading 25,000 Caviteño napagkalooban ng tulong pinansyal at pabigas sa ilalim ng CARD, ISIP, SIBOL program

House leader, nilinaw ang nangyaring agawan sa microphone sa plenaryo habang tinatalakay ang budget ng DOH

Nagbigay paliwanag ngayon si House Deputy Majority Leader Janette Garin sa nangyaring tensyon sa plenaryo noong tinatalakay ang panukalang pondo ng Department of Health (DOH). Ito’y matapos umani ng hating opinyon mula sa publiko ang insidente kung saan nagtaas siya ng boses habang inagawan naman ng mikropono ang isang mambabatas na miyembro ng minorya. Giit… Continue reading House leader, nilinaw ang nangyaring agawan sa microphone sa plenaryo habang tinatalakay ang budget ng DOH

Mga baboy na nakitaan ng sintomas ng ASF, naharang sa checkpoint ng BAI

Naharang ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa checkpoint sa Mindanao Avenue, Quezon City ang kargamento ng mga baboy na nakitaan ng sintomas ng African Swine Fever o ASF. Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang 70 baboy na sakay ng truck ay agad na kinumpiska matapos mapansing may mga sintomas ng ASF ang ilan… Continue reading Mga baboy na nakitaan ng sintomas ng ASF, naharang sa checkpoint ng BAI

PBBM: Inagurasyon ng mas marami pang mahahalagang infra projects, asahan na

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Asahan pa ang mas maraming mahahalagang proyektong pang-imprastruktura na mapasisinayaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pagpapasinaya, ngayong araw (September 27), sa higit P8 billion na Panguil Bay Bridge, na kukonekta sa Tubod, Lanao del Norte at Tangub City, Misamis Occidental, sa Northern Mindanao. “This… Continue reading PBBM: Inagurasyon ng mas marami pang mahahalagang infra projects, asahan na

Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC

Naghain ng “not guilty” plea ang kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 167 kaugnay sa kasong qualified human trafficking laban sa kanya. Ito ang inihayag ni Atty. Nicole Jamilla, abogado ni Guo, sa naganap na arraignment at pre-trial conference ngayong araw. Ayon kay Jamilla, walang kinalaman… Continue reading Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, naghain ng not guilty plea sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC

Pagtatalaga ni dating PCSO GM Garma ng mga kapamilya sa ahensya, naungkat sa Quad Comm hearing

Kinuwestyon ni Quad Committee Chair Dan Fernandez ang desisyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, na italaga sa mga posisyon sa ahensya ang mga kamag-anak kabilang ang kaniyang anak. Sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat ng Quad Comm, napaamin ni Fernandez si Garma na nagtalaga nga ito ng mga kamag-anak sa PCSO.… Continue reading Pagtatalaga ni dating PCSO GM Garma ng mga kapamilya sa ahensya, naungkat sa Quad Comm hearing

Pagpapatuloy ng kapayapaan sa Misamis Occidental, mahigpit na pinababantayan ni Pangulong Marcos sa LGUs sa lugar

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan sa Misamis Occidental na hindi na makakaapak pa muli sa probinsya ang mga teroristang grupo o mga nagpopondo o sumusuporta sa karahasan o terorismo. “I ask the local government units of Misamis Occidental to intensify collaboration with various government agencies, partners, and other… Continue reading Pagpapatuloy ng kapayapaan sa Misamis Occidental, mahigpit na pinababantayan ni Pangulong Marcos sa LGUs sa lugar

Metro Manila Drainage Master Plan, tinalakay sa pulong ng MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan

Muling nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang iba’t ibang sangay ng gobyerno, lokal na pamahalaan ng Metro Manila, academe, at pribadong sektor upang talakayin ang Metro Manila Drainage Master Plan. Sa isang consultation meeting na inorganisa ng MMDA, muling napag-usapan ang mga plano upang mapabuti ang kasalukuyang imprastraktura ng drainage at masolusyonan… Continue reading Metro Manila Drainage Master Plan, tinalakay sa pulong ng MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan