Iniulat ng Valenzuela LGU na aabot sa walong pamilya o katumbas ng 28 na indibidwal ang kinailangang ilikas sa lungsod dahil sa walang patid na ulang dala ng Bagyong Enteng.
As of 9am, mayroong dalawang evacuation center ang binuksan ng LGU.
Kabilang dito ang Northville 2 Covered Court, Brgy. Bignay na pansamantalang tinutuluyan ng 17 indibidwal.
Gayundin ang Valenzuela National High School, sa Marulas kung saan inilikas ang tatlong pamilya o 11 indibidwal.
Una na ring nagpreposisyon ang LGU ng mga rescue vehicle para sa mga kailangang saklolohan dahil sa epekto ng Bagyo.
Patuloy naman ang operasyon ng iba’t ibang pumping station sa lungsod para maibsan ang baha na dulot ng malakas na ulan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: Valenzuela LGU