Mayroon pang tatlong electric cooperatives (ECs) sa bansa ang nananatiling apektado ng hagupit ng Bagyong Enteng batay sa pinakahuling tala ng National Electrification Administration (NEA).
Kabilang sa patuloy na apektado ang Northern Samar Electric Coop na may iniulat na partial power interruption.
Hindi rin agad masimulan ang reconnection dito dahil sa safety concerns na may kaugnayan sa gulo sa pagoran ng local armed forces sa Brgy. Ynaguingayan, Pambujan.
Samantala, matapos makaranas ng power outage ay balik na sa normal na operasyon ang QUEZELCO I at CANORECO.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa P4.23-M ang inisyal na halaga ng pinsalang tinamo ng electric coops bunsod ng Bagyong Enteng. | ulat ni Merry Ann Bastasa