Pinarangalan ng Metrobank Foundation at Armed Forces of the Philippines ang 3 natatanging sundalo sa presentasyon ng 2024 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos – Award for Soldiers (MFOFAS) sa Camp Aguinaldo.
Ang presentasyon ay dinaluhan ni AFP Deputy Chief of Staff LtGen Charlton Sean M Gaerlan bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Sa kanyang mensahe, binati ni Lt. Gen. Gaerlan ang mga sundalong awardee, kasabay ng pagtiyak ng suporta ng Sandatahang Lakas sa kanilang propesyonal na pag-unlad.
Ang 2024 MFOFAS ay iprinisinta kina: Captain Salvador M Sambalilo PN (GSC), Assistant Chief of Fleet Staff for Weapons, Communications, Electronics, and Information, F6; Major Ron Jr T Villarosa (INF) PA, Chief of Civil Affairs Center, Civil-Military Operations Regiment; at SSg Michael S. Rayanon PN(M), Public Affairs Non-Commissioned Officer ng Marine Battalion Landing Team 3.
Ang parangal ay bilang pagkilala sa kanilang kagitingan at dedikasyon na kumakatawan sa pinakamataas na antas ng pagsesebisyo sa militar at sa komunidad. | ulat ni Leo Sarne