3 preso, nakatakas mula sa Fish port Custodial Facility sa Taytay, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Taytay Municipal Police Station na tatlong preso ang nakatakas mula sa Fish port Custodial Facility sa Taytay, Rizal.

Natuklasan ang kanilang pagtakas kaninang alas-4:45 ng umaga.

Ayon sa Taytay Municipal Police Station, nagtulung-tulong ang tatlong preso sa pagsira sa metal frame ng kusina ng kanilang piitan.

Kinilala ang mga nakatakas na sina Danny Boy Cancuno at Ronald Barrera, na kapwa unang nakulong dahil sa illegal drugs, at si Kurt Cavasal, na nakadetine dahil sa paglabag sa Firearms and Ammunition Law.

Sa ulat ng Taytay Police, posibleng sinamantala ng tatlong preso ang masamang panahon upang maisakatuparan ang kanilang pagtakas.

Nag-alok na ang istasyon ng pulisya ng tig-P10,000 pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na hahantong sa agarang pagkadakip ng mga nakatakas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us