Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kabilang sa bisyon ng kanyang Administrasyon ang maipagkaloob sa bawat Pilipino ang pagkakaroon ng access sa healthcare.
Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service o BUCAS sa Philippine Heart Center, sinabi ng Pangulo na bahagi ng bisyon ng Administrasyon na maihatid ang pag-aalaga na kailangan ng bawat mamamayan.
Inilarawan ng Chief Executive na ang healthcare na pinapangarap nilang maipagkaloob sa bawat isa ay hindi lamang proactive kundi reactive din sa kabilang banda.
Kaugnay nito’y, inihayag ng Punong Ehekutibo na may pag-asa ang mga Pilipino kung pag-uusapan ay medical care.
Pag-asa ayon sa Chief Executive na maabot na ang pangangalagang medikal dahil na din aniya sa mga nagawa na sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar