Nagsagawa ng 2 araw na pagsasanay sa pagtugon sa sakuna ang Armed Forces of the Philippines at Singapore Armed Force sa Changi Regional Humanitarian Assistance and Disaster Relief Coordination Centre (RHCC) sa Office of Civil Defense (OCD).
Ang mga table-top exercise na isinagawa mula Setyembre 18 hanggang kahapon, ay nakatuon sa pagpapalakas ng interoperability ng dalawang pwersa sa Humanitarian and Disaster Response (HADR).
Tampok sa ehersisyo ang pagpaplano sa scenario ng isang 7.2 magnitude na lindol na tumama ng Intensity 8 sa Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.
Nauna rito ay nagkaroon ng mga presentasyon tungkol sa Philippine Risk Reduction and Management System, Philippine Harmonized National Contingency Plan, NDRRMC Disaster Response Cluster, Philippine International Humanitarian Assistance framework, at OPERA Computer Information System (CIS) ng RHCC.
Ayon kay Commander Gary Hilario, ang Chief of the Joint and Combined Training Division ng Office of the Deputy Chief of Staff for Education, Training, and Doctrine, OJ8, nakamit ng ehersisyo ang lahat ng layunin nito, at napahusay ang ugnayan ng AFP sa mga regional counterpart sa pagtugon sa humanitarian crisis. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photo by SSg Ambay/PAOAFP