Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sapat silang puwersa na nagbabantay sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ito’y kasunod ng insidente ng pagsunod ng Peoples Liberation Army Navy Helicopter sa Cessna plane ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nang magsagawa ito ng surveillance patrol sa Scarborough Shoal kamakailan.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, bagaman walang nakitang asset ng AFP nang mag-ikot ang BFAR sa bahagi ng Bajo de Masinloc, hindi nangangahulugang nagpapabaya sila.
Batay sa pinakabagong monitoring mula September 17 to 23, tumaas ng 100 ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea na nasa 251. | ulat ni Jaymark Dagala