Ililipat ngayong araw si Ex-Bamban Mayor Alice Guo mula sa PNP Custodial Center patungo sa Pasig Female Dormitory sa ilalim ng kustodiya ng BJMP.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information office Chief Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na ito ay alinsunod sa kautusan ng Pasig Regional Trial Court na natanggap ng PNP kahapon.
Bukod kay Guo, kasama din sa commitment order ang paglipat sa 14 na iba pa.
Ayon kay Fajardo, pagkatapos ng pagharap sa arraignment ni Guo sa Valenzuela RTC ngayong alas-1:30 ng hapon ay babalik itong muli sa custodial facility ng kampo crame para sumailalim sa proseso at medical exam bago dalhin sa Pasig Female dormitory. | ulat ni Leo Sarne