Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City.
Ito ay dahil sa walang tigil at pabugso-bugsong ulan na dulot ng habagat.
Batay sa pinakahuling tala ng PAGASA, as of 1 PM, bahagya tumaas pa sa 80.16 meters ang water level sa La Mesa Dam.
Mas mataas pa rin ito sa 80.15 meters na lagpas spilling level nito.
Sa tuwing umaabot kasi sa spilling level, naaapektuhan dito ang Tullahan River na sakop ng lungsod, Valenzuela at Malabon.
Patuloy namang nakabantay sa sitwasyon ang Pamahalaang Lungsod at pinag-iingat ang mga residente na malapit sa Tullahan River. | ulat ni Diane Lear