Muling ipinagpaliban ng Valenzuela City Regional Trial Court branch 282 ang pagbasa sana ng sakdal laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito’y may kuagnayan sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na inihain ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ang dahilan ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson, JSupt. Jayrex Bustinera kaya’t hindi inilabas si dating Mayor Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Una nang itinakda ng naturang korte ngayong araw ang pagbasa sana ng sakdal laban kay Guo sa nasabing kaso matapos hindi mapagpasyahan ang nakabinbing mosyon ng kampo nito sa Capas RTC kung saan unang nakasampa ang kaso.
Gayunman, wala pang pahayag ang mga abogado ni Guo sa kung kailan itutuloy ang arraignment laban dito. | ulat ni Jaymark Dagala