Arraignment ni Quiboloy sa QC at Pasig RTC, plantsado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naresolba na ng Philippine National Police (PNP) ang conflict sa schedule ng arraignment sa Setyembre 13 ni Pastor Apollo Quiboloy  at mga kapwa akusado, sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) at Pasig RTC.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, sa umaga ay pisikal na dadalo sa arraignment sina Quiboloy sa Pasig RTC branch 159 para sa kasong qualified human trafficking.

Habang pumayag naman ang QC RTC branch 106 na gawin ang arraignment sa pamamagitan ng video conferencing sa hapon, para sa kasong child at sexual abuse.

Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo, na pinaghahandaan na ng PNP ang seguridad para sa pagbiyahe nina Quibuloy.

Samantala, inaantabayanan naman ng PNP ang pinal na desisyon ng Pasig Court sa pananatili ni Quibuloy sa PNP Custodial Center. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us