Tuloy-tuloy ang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na ipanaaresto ng House Quad Committee.
Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, bumuo ng mga special tracker team ang PNP na pinangungunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para maipatupad ang kautusan ng Kongresso.
Hindi lang aniya ang PNP, kung hindi maging ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang tumutulong sa paghahanap kay Roque.
Tiniyak naman ng PNP Chief, na isasagawa ang manhunt operation kay Roque na may pinakamataas na antas ng propesyonalismo at pagrespeto sa “due process”.
Una nang tinangka ng CIDG na isilbi ang arrest order kay Roque, pero hindi ito natagpuan sa kanyang dalawang address sa Metro Manila. | ulat ni Leo Sarne