Naalarma ang grupong BAN Toxic sa nadiskubreng mercury leakage sa stockpile ng mga busted flourescent lamps sa Barangay Blue Ridge -A sa Quezon City.
Sa ulat ng Toxic Watchdog, ang mga stockpile ay kinolekta sa komunidad para matiyak ang tamang disposal ng hazardous waste mula sa mga kabahayan.
Ayon kay Tony Dizon ng Ban Toxic, base sa kanilang pagsusuri gamit ang Portable Olympus Vanta -C Series X-Ray Flourescence (XRF)Analizer, nakitaan ng mercury leakage ang mga nakaimbak na fluorescent lamps.
Pinayuhan ng toxic group ang barangay officials na takpan at selyuhan ang stockpile upang maiwasan ang pagkalat ng kontaminasyon ng mercury.
Kasabay nito ang panawagan sa barangay Blue Ridge A at Department of Sanitation and Clean-Up Works ng Quezon City Government para sa agarang koordinasyon para matugunan ang problema.
Hinimok pa nito ang DSQC na magsawa ng survey sa iba pang barangay upang malaman kung may existing din na stockpile katulad sa Barangay Blue Ridge -A. | ulat ni Rey Ferrer