Batanes at Eastern Samar, kapwa niyanig ng lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa niyanig ng lindol ang mga lalawigan ng Batanes at Eastern Samar ngayong Lunes, September 9.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang niyanig ng Magnitude 5 na lindol ang Eastern Samar kaninang alas-3:28 ng umaga.

Natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 26 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lalim na 44 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Naramdaman ang Intensity III sa Dulag, Leyte at Catbalogan, Samar; Intensity II naman sa Abuyong at Alangalang, Leyte gayunidn sa Hinunganan at Hinundayan sa Southern Leyte maging sa Sulat, Eastern Samar

Samantala, Magnitude 4.3 naman ang tumama sa Batanes kaninang alas-4:30 ng umaga.

Natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 86 kilometro Silangang-Kanluran ng Sabtang na may lalim na 10 kilometro at tectonic din ang pinagmulan.

Gayunman, walang naitalang lugar ang PHIVOLCS kung saan naramdaman ang pagyanig dahil ito’y nasa karagatan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us