Para sa mga magsasaka ang hiling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanyang ika-67 taong kaarawan.
Sa ambush interview sa paglulunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program sa Guimba, Nueva Ecija, sinabi ng Pangulo na ang nais niya’y maramdaman ng bawat magsasaka sa Pilipinas ang mga programang ginagawa ng pamahalaan para sa kanila.
Mabuo sana, Sabi ng Pangulo ang sama-samang pagsisikap ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DBP at mga financing institution ng sa gayon ay maging maganda ang sektor ng agrikultura.
Kapag nagawa ito, sabi ng Pangulo ay gaganda ang buhay ng bawat magsasaka gayundin ng kanilang pamilya at ng bawat Pilipino.
Bukod sa Guimba ay nagtungo din ang Pangulo sa Palayan City para sa pamamahagi ng Certificates of Condonation in Agriculture at turnover ng agri credit assistance. | ulat ni Alvin Baltazar