Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region na ituturing nilang ordinaryong bilanggo si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy kung ililipat sa kanilang pasilidad.
Ito ang inihayag ni Bureau of Jail Management and Penology -National Capital Region Regional Director JCSupt Russel Clint Tangeres.
Mahigpit ang tagubilin nito sa lahat ng jail wardens na walang VIP treatment aky Pastor Quiboloy at mga kasamahang akusado.
Ipaiiral sa mga ito ang standard treatment na ibinibigay sa mga Regular PDL.
Pinatitiyak din ng BJMP ang seguridad at kaligtasan ni Pastor Quiboloy at iba pang niyang kasama.
Inatasan din ang mga tauhan ng jail na magpakita sa korte kung may valid court order. | ulat ni Rey Ferrer