Mabilis na tinapos ng plenaryo ang budget deliberation at debate sa budget ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nagkakahalaga ng ₱11.1 billion para sa taong 2025.
Ayon kay budget sponsor at Aklan Rep. Ted Haresco, ang budget ng DAR ay upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng land tenure security sa mga “landless farmers ” at legal intervention sa agrarian reform beneficiaries.
Tiniyak din ni Haresco na walang ipinatutupad na order of prirorities ang DAR sa pamamahagi ng lupa at inuuna lamang ng ahensya ang mga magsasaka na nakatira na sa kanilang mga lupa.
Ito ang naging sagot ng budget sponsor sa naging interpelation ni Grabriela priorities sa DAR sa land distribution sa pangambang mauna ang ibang mga indibidwal na makinabang pamamahagi ng lupa ng gobyerno at maging dehado ang mga tunay na magsasaka.
Ipinagmalaki rin ni Haresco ang hakbang na mapaganda ang buhay ng Pinoy farmers sa ilalim ng administrasyong Marcos nang resolbahin nito ang apat nang dekadang problema sa utang ng mga magsasaka kung saan ito ay tuluyan nang binura ni Pangulong Marcos Jr. sa ilalim ng Land Condonation Program. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes