Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na dagdagan ang kanilang budget para sa taong 2025.
Sa plenary deliberation, sinabi ni Negros Oriental 1st District Rep. Jocelyn Limkaichong at siyang budget sponsor ng CHR, marami nang mga bagong batas na nagdulot ng karagdagang responsibilidad na walang dagdag na pondo.
Hiling ng CHR, ibalik ang hiling ng komisyon na ₱1.799 billion na budget dahil sa ilalim ng National Expenditure Program ay nasa ₱1.109 billion lamang ang inilaan ng Budget Department.
Tinatayang nasa ₱271.607 million ang kailangan ng CHR para pondohan ang suporta sa mga special law at iba pang mandato.
Kung hindi aniya maibibigay ang orihinal na budget ay maapektuhan ang kanilang financial assistance, legal expenses at travel expenses sa kanilang mga isinasagawang imbestigasyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes