Commercial pig farms na nasa red zones, kasama rin sa prayoridad sa pinalawak na bakunahan vs. ASF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluy-tuloy nang palalawakin ng Department of Agriculture (DA) ang controlled ASF vaccination nito sa mga lugar na infected ng sakit lalo na sa mga nasa ilalim ng red zones.

Sa utos ni DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., target ng Bureau of Animal Industry na palawakin na rin ang bakunahan sa iba pang lalawigan kabilang ang La Union, Quezon, Mindoro, North Cotabato, Sultan Kudarat, at Cebu.

Bukod rin sa maliliit na hog raisers, kasama rin sa ipaprayoridad ang commercial pig farms na nasa red zones.

Ayon kay Sec. Tiu-Laurel, layon nitong masiguro na mananatiling sapat ang suplay ng baboy sa merkado at stable ang presyo nito.

Una na ring sinabi ng DA na minamadali na nito ang procurement ng mga bakuna kontra ASF.

Batay naman sa pinakahuling tala ng BAI, as of September 6, nasa 472 barangays mula sa 31 lalawigan ang nasa ilalim pa rin ng red zones.

Kabilang sa mga lalawigang lubos na apektado ang North Cotabato, Batangas, pati na ang Quezon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us