Nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko na huwag ibenta ang kanilang rehistradong SIM cards.
Ito’y ayon sa PNP-ACG ay makaraang maaresto sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang indibidwal dahil sa iligal na pagbebenta ng rehistradong SIM card online.
Kinilala ng ACG ang mga nahuli sa alyas na “Erol” at “Mau” nang masakote sila sa ikinasang buy-bust operation sa mga lungsod ng Valenzuela at Quezon.
Nakuha sa kanila ang aabot sa 167 piraso ng iba’t ibang rehistradong SIM card na ibinebenta sa halagang P18 ang bawat piraso.
Nahaharap sila sa kasong paglabag sa section 7 ng SIM Registration Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012. | ulat ni Jaymark Dagala