Dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, may banta umano sa buhay kaya nagtago sa Indonesia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatatanggap ng banta umano sa kaniyang buhay si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaya siya nagtago sa Indonesia.

Ito ang inihayag ng alkalde matapos siyang iharap kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. nang makipagpulong ito kasama ang Indonesian Police sa Jakarta kahapon.

Maririnig sa video feed mula sa Facebook page ni Abalos ang paghingi ni Guo ng tulong sa kaniya bago mawala ng ilang saglit ang audio ng live feed.

Kasama ng kalihim si Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil as naturang pulong kung saan sila ay nagpasalamat sa kooperasyong ibinigay ng kanilang Indonesian counterparts.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, batay sa ulat ng Police Attache ng Pilipinas sa Indonesia na matagal nang nais sumuko ni Guo kaya’t nagpapadala na ito ng surrender feelers bago siya naaresto. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us