Asahan na ang panibagong re-assignment sa hanay ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) simula sa buwan ng Oktubre.
Ito’y ayon kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ay kasunod na rin ng pagreretiro ng mga matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Gayunman, nilinaw ni Marbil na hindi ito balasahan dahil may mga mababakanteng puwesto na nangangailangang mapunuan ng kapalit.
Kabilang na sa mga mabibigyan ng bagong puwesto si PMGen. Leo Francisco na ililipat sa Civil Security Group (CSG) mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na para sa mga nasa 2 star rank.
Kabilang sa mga bakanteng puwesto ay ang Deputy Chief PNP for Administration habang nakatakda namang magretiro si PLtG. Jon Arnaldo bilang The Chief of the Directorial Staff.| ulat ni Jaymark Dagala