Naka standby ang mga Regional Offices ng Department of Human Settlements and Urban Development sa posibleng pagtugon sa epekto ng Bagyong Enteng.
Inatasan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na maging alerto ang Regional Directors mula sa Regional Offices 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, Cordillera Administrative Region at National Capital Region
Aniya, kailangang maging pro-active at parating nakahanda ang lahat ng Regional Offices para sa agarang tulong.
Inaatasan ang mga Regional Directors na makipag-ugnayan sa kani-kanilang shelter cluster members sa loob ng regional convene gamit ang lahat ng paraan.
Upang matiyak ang napapanahon at wastong mga aksyon, inaatasan din ang mga Regional Director na magsumite ng daily situational report. | ulat ni Rey Ferrer