Inilagay na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pinakamataas na alerto ang ilang lalawigan sa bansa bunsod ng epektong dulot ng bagyong Juilian.
Kabilang na rito ayon sa DILG Central Office Disaster Information and Coordinating Center ang mga lalawigan ng Batanes at Cagayan na inilagay sa Alert Level Charlie na siyang pinakamataas na alerto.
Nakataas naman ang Alert level Bravo sa mga lalawigan ng Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga at Mountain Province.
Habang Alert level Alpha ang nakataas naman sa mga lalawigan ng Aurora, Benguet, Bulacan, Ifugao, La Union, Nueva Ecija, Nueva, Vizcaya, Pangasinan, Quezon, Quirino, Tarlac, Zambales.
Babala ng DILG, posibleng makaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 155 km/h ang mga nabanggit na lalawigan.
Sa ilalim ng Alert level Charlie, inaatasan ang mga Lokal na Pamahalaan na agad na magsagawa ng preemptive at mandatory evacuation para matiyak na ligtas ang mga pamilya na nasa high at medium risk areas. | ulat ni Jaymark Dagala