Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi nakitaan ng suspicious lung infection si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo Alice Guo sa isinagawang saliva test sa Pasig City Jail.
Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, lumabas sa pagsusuri na negatibo si Guo sa anumang impeksyon kaya naman dahil dito ay isasama sa regular na selda ang dating alkalde.
Ihahalo naman si Guo sa 43 iba pang Persons Deprived of Liberty at iaalis na sa kasalukuyang selda nito kung saan kasama nito ang tatlong PDL na nagpapagaling sa tuberculosis.
Matatandaang ginawa ang pagsusuri matapos lumabas sa laboratory test ng Philippine National Police General Hospital na posibleng may impeksyon sa kaliwang baga si Guo. | ulat ni Diane Lear