Nag-deploy na ng mobile command center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 sa Naga City, Camarines Sur sa gitna ng pananalasa ng bagyong Enteng.
Ayon sa DSWD, gagamitin ang command center para sa monitoring at makapagbigay ng communication lines bilang bahagi ng disaster response sa lalawigan.
Dahil dito, inaasahan na ang mas magandang komunikasyon at mas mabilis na pagsusumite ng ulat sa pagitan ng disaster operation groups at mga tanggapan.
Makakatulong din ito sa mabilis na koordinasyon at epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.
Tiniyak pa ng DSWD sa Bicol Region ang mahigpit na koordinasyon nito sa local government units upang magbigay ng karagdagang tulong kung kinakailangan.
Samantala, nakipagpulong naman si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa regional directors at tinalakay ang epekto ng bagyong Enteng. | ulat ni Rey Ferrer