Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa NCR na tumugon sa mga lokal na pamahalaan na posibleng maapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng bagyong Enteng.
Ayon sa DSWD-NCR Field Office, mayroon ito sa ngayong kabuuang P18.4-M available na relief resources kabilang ang nasa P3-M standby funds.
Nakapreposisyon na rin ang higit 11,000 family foood packs at 10,464 non-food items na agad ipapadala sa mga mangangailangang LGUs.
Patuloy naman nang nakikipag-ugnayan ang DSWD NCR sa 17 lungsod sa Metro Manila. para sa mga updates at anumang kinakailangan na tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa