DSWD, tuloy-tuloy pa ang pamamahagi ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Enteng sa Bicol Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang sinalanta ng bagyong Enteng sa Bicol Region.

Mula Setyembre 7 hanggang 8, nakapamahagi pa ng 6,467 na family food packs ang DSWD sa mga apektadong pamilya sa Munisipalidad ng Talisay, Labo, Daet, Basod at Vinzons sa Camarines Norte.

Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development

Karagdagan pa rito ang ipinamahaging food packs na aabot sa 1,780 noong Setyembre 7 sa limang apektadong Barangay sa Bombon Camarines Sur.

Pagtiyak pa ni DSWD Regional Office 5 Director Norman Laurio, na mananatili pang on standby ang ahensya para umasiste sa mga naapektuhan ng kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us