Kasalukuyang nasa high alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 – Western Visayas kasunod ng babala ng PHIVOLCS tungkol sa ipinapakitang aktibidad ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa DSWD FO 6, mayroon silang nakahandang P147 milyong halaga ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sakaling kailanganin sa mga operasyon.
Ang relief goods ay naka-preposition na sa La Castellana, Negros Occidental, ang lalawigan na may pinakamaraming pamilyang naapektuhan noong huling pumutok ang bulkan noong Hunyo.
Sa kasalukuyan, ang DSWD FO-6 ay mayroong P3 milyon standby fund.
Patuloy din ang pagbabantay ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) para sa Camp Coordination, Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons Protection (IDPP) upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente. | ulat ni Diane Lear