Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng Certficates of Condonation, sa Palayan, Nueva Ecija, ngayong araw (September 13).
Ito ang kauna- unahang distribusyon ng Certificates of Condonation na ginanap dito sa Central Luzon.
“Hindi na kayo mangangamba sa pagbayad sa amortisasyon. Hindi na kayo matatakot na mawala pa ang lupang pinagkukunan ninyo ng pantustos sa araw- araw. Maaari niyo nang gamitin ang perang ipanghuhulog niyo sa lupa para sa inyong mga pangangailangan.” —Pangulong Marcos.
Ngayong araw, nasa 6,000 Agrarian Reform Beneficiaries ang nakatanggap ng higit 9,800 Certificates of Condonation.
Sakop nito ang higit 10,000 na hektarya ng lupain.
“Narito po kami ngayon upang suklian ang inyong sipag, ang inyong dedikasyon at determinasyon [ng] isang munting handog na nawa ay makatulong nang higit para sa inyong lahat at sa inyong mga pamilya. Simula ngayon, magbabago ang buhay ng anim na libong magsasaka dito sa inyong lugar. ” —Pangulong Marcos.
Tinatayang aabot sa P277-M ang halaga ng utang na binura ng Marcos Administration mula sa mga magsasaka sa ibat ibang munisipalidad ng Nueva Ecija.
“Kaya naman, hanggang ngayon ay patuloy nating sinusulong ang inyong karapatan, kapakanan, at kasaganahan, maging ang kaunlaran sa sektor ng agrikultura sa ating bansa.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan