Muling naglabas ng Heavy Rainfall Warning o babala ng malakas na buhos ng ulan ang PAGASA sa National Capital Region (NCR) at ilang bahagi ng Central Luzon.
Sa abiso ng PAGASA ngayong alas-5 ng madaling araw, itinaas ang Orange Rainfall Warning sa lalawigan ng Bataan na posibleng magdulot ng ‘threatening’ na pagbaha.
Yellow Rainfall Warning naman sa Zamblaes, Bulacan, Pampanga, at Metro Manila na posible ring bahain lalo sa flood prone areas.
Habang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang nakakaapekto na sa Cavite, Tarlac, Nueva Ecija, Rizal, Batangas, Laguna, at Quezon (Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Tayabas, Pagbilao, Mauban, Lucena, Lucban, Sampaloc, General Nakar, Infanta, Real). | ulat ni Merry Ann Bastasa