Bunsod ng mas pinalakas na kampanya ni NCRPO PMGen. Jose Melencio Nartatez na sugpuin ang iligal na droga sa Kalakhang Maynila, arestado ang isang high-value target sa lungsod ng Taguig.
Ayon sa awtoridad nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit, Taguig CPS operatives na pinangunahan ni PCpt. Kenny Khamar Khayad na nagresulta sa pagkakaaresto ni Sabolo.
Kabilang sa nakumpiska sa suspek ang hinihinalang nasa P2.2 milyong piso na tumitimbang ng 330 grams.
Kumpiskado din ang ginamit na 1,000 peso bill na buy-bust money gayon din ang nasa mahigit 39,000 na boodle money na ginamit sa nasabing operasyon.
Nais ni Nartatez na maparusahan ang mga nagkasala kaugnay sa droga at kailangang managot sa batas. | ulat ni Lorenz Tanjoco