Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang distribusyon ng 69 na patient transport vehicles (PTV) para sa mga lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, ngayong araw (September 11).
Ginanap ang turn over ceremony ng mga ambulansya sa Paoay, kung saan present ang ilang kinatawan ng PCSO, na nag-donate ng PTVs sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng tanggapan.
Habang present rin ang ilang local officials sa rehiyon.
Kung matatandaan, sa turnover ceremony ng mga ambulansya na ginanap sa Maynila kahapon (September 10), una nang nakiusap ang Pangulo na hindi dapat mahaluan ng politika ang pamamahagi ng mga ambulansya sa mga LGU, at dapat aniya ay hindi makaapekto ang political affiliation ng mga ito.
Una na ring hinikayat ng Pangulo ang mga lokal na pamahalaan at PCSO, na ipagpatuloy ang pagbubukas ng mga programa na maga-angat sa buhay ng mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan