Nasa tinatayang P777-M halaga ng iligal na droga ang sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ikinaa ang operasyon sa Integrated Waste Management, Inc., Barangay Aguado, Trece Martires City, sa Cavite.
Ayon sa PDEA, sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang mga droga para hindi na mapakinabangan at magamit.
Kinabibilangan ito ng higit 66kgs ng shabu, nasa 1,390kgs ng marijuana, 14kgs ng ecstacy at 428 gramo ng Cocaine.
Sinaksihan naman ang proseso ng mga kinatawan mula sa Department of Justice Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, at mga lokal na opisyal sa lugar.
Tiniyak rin ng PDEA ang mabilis na pagwasak ng mga nasasamsam na ilegal na droga oras na may court order na ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa