Higit P777-M halaga ng iligal na droga, sinira ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P777 milyon (₱777,624,682.82) na halaga ng mapanganib na droga sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite

May kabuuang 1,474,916.7594 gramo ng solid illegal drugs at 378.5 milliliters ng iligal na droga ang nawasak sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis.

Kabilang sa sinira ay ang 66,720.7640 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride, o Shabu; 1,390,743.5422 gramo ng Marijuana; at 14,145.4798 gramo ng MDMA o Ecstasy; 428.4432 gramo ng Cocaine; 1,665.3900 gramo ng Ephedrine; 1,073.8415 gramo ng Psilocin; 206.5 mililitro ng likidong meth; at 172 mililitro ng likidong marijuana.

Ang mga mapanganib na droga ay inilagay sa loob ng isang incinerator chamber at isinalang sa mataas na temperatura na higit sa 1,000 degrees centigrade.

Ang lahat ng mga ito ay ginawang abo, at ganap na nabulok o nasira, kaya, imposibleng ito ay mai-recycle o maipuslit.

Ang mga winasak ay mga ebidensyang nakuha mula sa iba’t ibang anti-drug operations na isinagawa ng PDEA, kasama ang iba pang law enforcement agencies.

Ang mabilis na disposisyon ng mga kaso ng droga sa mga korte ang dahilan sa agarang pagkawasak ng mga ito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us