Pinapurihan ng mga lider ng Kamara ang pagkilos ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakit kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.
Ayon kay Manila Rep. Benny Abante, House Committee on Human Rights Chair, hindi lang ito panalo ng law enforcement bagkus ay oanalo para sa hustisya ng mga biktima ni Quiboloy.
“Let this be clear: Apollo Quiboloy’s arrest is not just a win for law enforcement, it’s a resounding victory for justice and human dignity. The crimes he is accused of—child abuse, exploitation, and human trafficking—are monstrous, and no amount of power or influence can shield him from the full force of the law. The time for reckoning has come.” sabi ni Abante.
Kaisa rin ang Young Guns bloc ng Kamara sa pagkilala sa mga otoridad sa pagpapatupad nito ng batas nang walang pangamba.
Ipinapakita rin anila nito na hindi bulag ang hustisya at kahit ang mga makapangyarihan ay mapapanagot.
“The surrender of Quiboloy is a win for the country’s legal institutions, particularly under the Marcos administration. It shows that the government is committed to ensuring that justice is served, regardless of the power or influence of the individuals involved. This is a clear message that justice is blind and that even those who wield considerable authority will not be immune from the consequences of their actions,” saad ng Young Guns
Ipinunto naman ni Deputy Majority Leader Jude Acidre, na hindi makakapagtago si Quiboloy sa batas sa kabila ng pagiging self proclaimed son of god, lalo na para sa hustisya ng inabuso.
“This arrest sends a clear and resounding message: justice will not be silenced, and no fortress, however fortified, can shield the guilty from facing the truth. Quiboloy, who stands accused of heinous crimes, including human trafficking and money laundering, both here and abroad, must now answer for his actions. He can no longer hide behind his titles, his wealth, or his followers. The law will find its way, and it has.” diin ni Acidre
Bumwelta naman si House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez sa pahayag ng abogado ni Quiboloy.
Ani Fernandez nagyon lang siya nakakita na entitled pa ang abogado ng salarin na tawaging epal ang mga otoridad na may hawak sa suspek.
Paalala ng mambabatas, napasakamay ng otoridad si Quiboloy dahil sa kalkuladong paggalaw ng pulisya kung saan hindi na nauwi sa gulo at pagdanak ng dugo.
“Pastor Quiboloy fell in the hands of authorities. He is facing charges of sexual abuse and human trafficking. He hid like a scared rat inside his compound. Those facts are beyond question Secretary Benhur Abalos and the police force deserve all the praise for Quiboloy’s capture. This was the best-case scenario dahil hindi na naging mas magulo pa,” diin ni Fernandez. | ulat ni Kathleen Forbes