Hustisya para sa sundalong pinatay ng NPA sa Sorsogon tiniyak ng Philippine Army

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine Army na pananagutin ang mga teroristang komunista na responsable sa pamamaslang ng isang sundalo sa Barangay Calpi, Bulan, Sorsogon, noong September 6, 2024.

Ito’y matapos na masawi si Cpl. Rodel Felismino nang tambangan ng mga NPA habang nakasakay sa motorsiklo sa nabanggit na lugar.

Kinondena ng Philippine Army ang pag-atake ng NPA sa hindi armadong sundalo na tumutulong lang sa community support program.

Kaugnay nito, ipinaabot naman ng Philippine Army ang taos-pusong pakikiramay sa naulilang pamilya ni Cpl. Felismino na nag-alay ng buhay para sa bayan.

Tiniyak pa ng Philippine Army na tuloy-tuloy ang kanilang operasyon upang matuldukan na ang insurhensya sa bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us