Ilang kalsada sa Malabon, pansamantalang isasara para sa gaganaping Nationwide Earthquake Drill.
Nag-abiso ang Malabon LGU na pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang mga kalsada sa lungsod para bigyang-daan ang isasagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Kabilang sa mga isasara ang:
*C. Arellano corner Sacristia Street
*F. Sevilla corner Estrella Street
*Rizal Avenue corner Leoño Street.
Kaugnay nito, magpapatupad naman ng road rerouting ang pamahalaang lungsod.
Pansamatalang magiging two-way ang Sacristia corner General Luna Avenue hanggang Rizal Avenue corner General Luna Avenue.
Lahat ng sasakyan na manggagaling sa C. Arellano papuntang bayan ay maaaring dumaan sa Sigwa Street, General Luna Avenue patungong Rizal Avenue habang ang mga sasakyan na manggagaling sa Tonsuya patungong Bayan ay maaaring dumaan sa Rizal Avenue at kumaliwa sa Leoño Street at kumanan sa Estrella Street.
Una na ring hinikayat ng Malabon LGU ang mga residente na makiisa sa pag-Duck, Cover and Hold sa loob ng mga opisina, paaralan, at tahanan ngayong 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. | ulat ni Merry Ann Bastasa